Saturday, January 28, 2006

Transgenic Rice as Vaccine


AGRI-INFO/JANUARY 28, 2006


TITLE: TRANSGENIC RICE AS A VACCINE


ALAM BA NINYO NA ISANG URI NG PALAY ANG NAISAKATUPARAN NG MGA JAPANESE EXPERT NA NAGSISILBING BAKUNA SA KATAWAN NG ISANG TAO NA SENSITIBO SA ALLERGY?

ITO AY NAISAKATUPARAN NG MGA JAPANESE RESEARCHER MULA SA NATIONAL INSTITUTE OF AGROBIOLOGICAL SCIENCES AT NG UNIVERSITY OF TOKYO.

NAKALIKHA ANG NATURANG TEAM NG ISANG BAKUNA GAMIT ANG MGA BAHAGI NG ALLERGY-RELATED PROTEINS NA MATATAGPUAN SA JAPANESE CEDAR POLLEN, ANG NAKAKAPAG-TRIGGER NG HAY FEVER.

ANG GENETIC MATERIAL NA CODED PARA SA ALLERGEN PROTEINS AY ISININGIT SA RICE GENOME.

SA GINAWANG LABORATORY STUDY NG MGA EKSPERTO NG JAPAN, ISANG GRUPO NG MGA DAGA NA ALLERGIC SA CEDAR POLLEN ANG PINAKAIN NG NATURANG VACCINE RICE, SAMANTALANG ISA PANG GRUPO ANG HINDI.
SA LOOB NG APAT NA LINGGO, HINDI MASYADONG ININDA NG MGA DAGA NA PINAKAIN NG VACCINE RICE ANG ALLERGY KESA SA ISA PANG GRUPO NG MGA DAGA.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home