Tuesday, April 04, 2006

Farmers' Call Center

AGRI-INFO/APRIL 4, 2006


TITLE: FARMERS' CALL CENTER

ALAM BA NINYO NA LALU PANG NAGIGING KAPAKI-PAKINABANG ANG TINAGURIANG CALL CENTER PARA SA MGA MAGSASAKA?

ITO AY SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPADALA LAMANG NG TEXT SA MGA EKSPERTO NG PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE (PHILRICE) PARA MATUGUNAN ANG ANUMANG PROBLEMA O KATANUNGAN SA MGA LUPANG SAKAHAN.

ANG FARMERS' CALL CENTER AY NAKAPALOOB SA KURSONG ICT NG OPEN ACADEMY SA PAMPANGA AGRICULTURAL COLLEGE.

ANG TANGI LAMANG GAGAWIN NG ISANG MAGSASAKA AY MAG-TEXT KUNG ANO ANG PROBLEMA NYA AT NAIS NA MALAMAN SA PAGTATANIM NG PALAY AT IPADALA SA CELLPHONE NUMBER 09209111398.

ANG CALL CENTER NA ITO AY NAGLALAYONG MAGKAROON NG UGNAYAN ANG MGA MAGSASAKA SA OPEN ACADEMY SA PAMAMAGITAN NG SHORT MESSAGING SERVICE O SMS.

PARA SA MGA SMART SUBSCRIBER, MAAARI SILANG DIREKTANG MAKIPAG-UGNAYAN SA PAMAMAGITAN NG PAGTAWAG SA 700RICE (7007423) AT SA LOOB NG 24 ORAS AY TUTUGON SA INYO ANG MGA EKSPERTO.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home