Wednesday, April 05, 2006

New Macapuno Varieties Developed

AGRI-INFO/APRIL 5, 2006


TITLE: NEW MACAPUNO VARIETIES DEVELOPED

ALAM BA NINYO NA NATUKLASAN NG MGA EKSPERTO ANG MGA BAGONG URI O VARIETY NG MACAPUNO AT ITO AY ITINUTURING NA MAS MATAAS ANG ANI?

ITO AY NAGAWANG MAISAKATUPARAN NG MGA EKSPERTO NG LEYTE STATE UNIVERSITY SA BAYBAY, LEYTE NA UMANOY MAKATUTULONG NG MALAKI SA INDUSTRIYA NG MACAPUNO SA BANSA.

ALAM NAMAN NATIN NA ANG MACAPUNO AY ISANG URI NG BUKO O NIYOG NA MERONG TAGLAY NA CREAMY, MALAMBOT AT MAKAPAL NA LAMAN NA HALOS PUNUNG PUNO ANG BAO NG BAWAT PRUTAS NITO.

ANG MACAPUNO AY KARANIWANG GINAGAMIT SA PAGGAWA NG ICE CREAM AT SAMGLA[ SA HALO-HALO, CAKES, TINAPAY AT PASTRIES AT DESSERTS.

NAGAWANG MAISAKATUPARAN NG MGA EKSPERTO NG NATIONAL COCONUT RESEARCH CENTER-VISAYAS NA NAKABASE SA LEYTE STATE UNIVERSITY ANG LIMANG BAGONG MACAPUNO VARIETIES.

ITO AY ANG V-MAC1, 2, 3, 4, 5. NA LAHAT AY SUMAILALIM SA CONTROLLED HYBRIDIZATION NANG I-CROSS BREED NILA ANG DWARF COCONUT VARIETY NG LSU NA MAY CODE NA V SA MATATAAS NA COCONUT VARIETY NG UP LOS BANOS NA MERONG CODE NA MAC.

1 Comments:

At 8:47 PM, Blogger julboy said...

meron po kayong published journal about sa research na ito?

 

Post a Comment

<< Home