Thursday, June 08, 2006

RPs Pineapple Now Exported to South Korea

AGRI-INFO/JUNE 8, 2006



TITLE: RP’S PINEAPPLE LEADS OTHER FRUIT EXPORTS TO SOUTH KOREA


ALAM BA NINYO NA NANGUNGUNA NGAYON SA MGA INI-EXPORT NA PRUTAS PATUNGONG SOUTH KOREA ANG PINYA MULA SA PILIPINAS.

ITO ANG MISMONG IBINALITA NI AGRICULTURE SECRETARY DOMINGO PANGANIBAN MATAPOS NA MAGKAROON NG DALAWANG BESES NA EXPORT NG PINYA NG FEDERATION OF PINEAPPLE GROWERS NG BASUD, CAMARINES NORTE.

NABATID NA MAY 15 METRIKO TONELADANG PINYA ANG INI-EXPORT SA SOUTH KOREA NOONG APRIL 26, SINUNDAN PA NOONG MAYO 3 AT PATULOY PA ANG NEGOSASYON PARA SA KARAGDAGANG PAGPAPADALA MULA SA CAMARINES NORTE.

AYON KAY PANGANIBAN, ISA ITONG MAGANDANG DEVELOPMENT PARA SA ITINUTURING NA QUEEN PINEAPPLE SA SOUTH KOREA.

DAHIL DITO, NANAWAGAN ANG KALIHIM SA MGA PINEAPPLE GROWERS NA DAGDAGAN PA ANG SUPLAY DAHIL SA INAASAHANG MALAKAS NA DEMAND SA SOUTH KOREA NG PINYA.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home