Friday, July 21, 2006

Soil Analysis Is a Must

AGRI-INFO/JULY 21, 2006

TITLE: BAKIT KAILANGANG SURIIN ANG LUPA?

ANG PAGSUSURI SA LUPA AY MAHALAGA UPANG MALAMAN ANG URI AT DAMI NG SUSTANSIYANG KAILANGAN NG PALAY. SAYANG LANG ANG PATABANG ILALAGAY SA LUPA KUNG HINDI NAMAN ITO KAILANGAN NG HALAMAN DAHIL KAYA PA NITONG TUSTUSAN NG LUPA.

NAKATUTULONG ITO SA PAGBABALANSE NG SUSTANSIYANG KAILANGAN NG HALAMAN NA MAAARING LIKAS SA LUPA O MAGMUMULA SA PATABANG ILALAGAY.

KAILANGANG MAIPASURI ANG LUPA TUWING IKA-LIMANG TAON. ITO AY DAHIL INAASAHANG MARAMI NANG PAGBABAGO SA KOMPOSISYON NG SUSTANSIYANG MULA SA LUPANG TINAMNAN SA LOOB NG LIMANG TAON.

KARANIWANG SINUSURI ANG ASIM O ACIDITY, ORGANIKONG MATERYAL O ORGANIC MATTER, NITROHENO, POSPORO AT POTASYONG TAGLAY NG LUPA. SA MGA BANA O LUPANG PALAGING MATUBIG, KAILANGANG SURIIN ANG SULFUR AT ZINC DAHIL MADALAS KULANG SA MGA SUSTANSIYANG ITO ANG LUPA O HINDI ITO NASISIPSIP NG HALAMAN.

ANG ASIM NG LUPA O ACIDITY AY HINDI PROBLEMA SA KARAMIHAN NG TANIMAN, MALIBAN SA ACID SULFATE SOIL O PEAT SOIL. NAGIGING NEUTRAL ANG LUPA PAGKATAPOS MABABAD ITO SA TUBIG SA LOOB NG TATLO HANGGANG APAT NA LINGGO KAYA HINDI RIN KAILANGANG MAGLAGAY NG APOG O LIME SA LUPANG MABABA ANG PH. ANG PAGBABABAD NG LUPA AY NAKAPAGPAPATAAS DIN NG MGA SUSTANSIYANG KAILANGAN NG HALAMAN MALIBAN SA ZINC, SULFUR, AT COPPER.
GUMAMIT NG MABISANG PAMAMARAAN NG PAGSUSURI NG LUPA TULAD NG LABORATORY ANALYSIS, SOIL TEST KIT O NG MINUS-ONE ELEMENT TECHNIQUE (MOET) UPANG MABALANSE ANG SUSTANSIYANG NASA LUPA.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL DITO, SUMANGGUNI SA PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE O PHILRICE, MALIGAYA, SCIENCE CITY OF MUÑOZ, NUEVA ECIJA SA TELEPONO BILANG (044) 456-0285 LOC 513 O 212 O KAYA’Y SA PHILRICE LOS BAÑOS BRANCH SA TELEPONO BILANG (049) 536-3631 TO 33.

PARA SA MGA SMART SUBSCRIBERS, MAAARI RING ITEXT ANG INYONG MGA KATANUNGAN SA FARMERS’ CALL CENTER. I-TYPE ANG PALAYINFORICETANONG AT I-SEND SA 7007423.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home