Wednesday, August 02, 2006

Philrice Develops Improved Drum Seeder

AGRI-INFO/AUGUST 2, 2006


TITLE: PHILRICE DEVELOPED IMPROVED DRUM SEEDER


MARAMING MGA MAGSASAKA ANG NAGSASABOG TANIM NG PALAY SA HALIP NA MAGLIPAT TANIM DAHIL MAS MADALI ANG GAWAIN AT MAS NAKATITIPID SA GASTOS SA PAGPAPATATANIM.

SUBALIT SA PAGSASABOG TANIM, HINDI NAGPAPANTAY ANG PAGKAKAHANAY NG PALAY NA NAGIGING SANHI NG MAHIRAP NA PAGDADAMO, PAGPAPATABA AT IBA PANG GAWAIN SA BUKID.

NAGYON, MERON NANG PHILRICE IMPROVED DRUMSEEDER. GAMITIN ITO PARA MAKONTROL ANG DAMI NG BUTONG MAITATANIM AT MAIHAHANAY NG TUWID ANG MGA BINHI. MAARI NITONG ITANIM ANG 40 KILOS NA BINHI SA ISANG EKTARYA.

SA HALAGANG P= 4,000, PWEDE KA NG MAGKAROON NG DRUM SEEDER NA MAARI MONG MAGAMIT SA MATAGAL NA PANAHON. HINDI RIN ITO MAHIRAP DALHIN SA BUKID DAHIL GAWA ITO SA PLASTIK KAYA MAGAAN. SIGURADO, MABABAWASAN ANG GASTOS MO AT MAGIGING MADALI PA ANG PAGGAWA MO SA BUKID. ITO AY NABIBILI LAMANG SA PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE O PHILRICE MALIGAYA, MUÑOZ, NUEVA ECIJA.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL DITO, SUMANGGUNI SA PHILIPPINE RICE RESEARCH INSTITUTE O PHILRICE, MALIGAYA, SCIENCE CITY OF MUÑOZ, NUEVA ECIJA SA TELEPONO BILANG (044) 456-0285 LOC 308 O 307.

PARA SA MGA SMART SUBSCRIBERS, MAAARI RING ITEXT ANG INYONG MGA KATANUNGAN SA FARMERS’ CALL CENTER. I-TYPE ANG PALAYMAKINATANONG AT I-SEND SA 7007423.

1 Comments:

At 3:48 AM, Blogger edwin said...

pano kung ang natira sa gilid ng pilapil ay mga dalawamg drum na lng pwede bang maadjust ang drum, ang ibig kong sabihin ay bawasan ang drum
, at isa pa akoy taga davao city saan ba ako pwedeng mag order ng improved drum seeder?

 

Post a Comment

<< Home