Friday, September 08, 2006

Farming Practices Influence the Effects of Rising Carbondioxide

AGRI-INFO/SEPTEMBER 8, 2006


TITLE: FARMING PRACTICES INFLUENCE THE EFFECTS OF RISING CARBON DIOXIDE

ALAM BA NINYO NA MALAKI ANG EPEKTO NG PAMAMARAAN NG PAGSASAKA SA EPEKTO NG CARBON DIOXIDE SA ATING KAPALIGIRAN?

ANG GANITONG KATANUNGAN AY MAITUTURING NANG NASA PANG-WALONG TAON NA NGAYON DAHIL SA HINDI BASTA-BASTA ANG GINAGAWANG PAG-AARAL DITO NG MGA SIYENTISTA.

MASUSING PAG-AARAL ANG GINAGAWA NG MGA AGRI-EXPERT SA IBAT-IBANG FARM MANAGEMENT PRACTICES PARA MAKATULONG NA MAPANATILI ANG CARBON SA MGA LUPANG SAKAHAN AT HINDI ITO SUMINGAW AT MAPUNTA LAMANG SA ATING HANGIN O ATMOSPERA.

NAKAPALOOB SA PAG-AARAL KUNG PAANO NAKAKAAPEKTO SA MGA TANIMAN ANG TUMATAAS NA KONSENTRASYON NG CO2 O CARBON DIOXIDE.

ANG MGA SIYENTISTA AY GUMAGAMIT NG CYLINDRICAL, OPEN-TOP FIELD CHAMBERS PARA MA-EXPOSE ANG LUMALAKING TANIM O HALAMAN SA PABAGU-BAGONG ANTAS NG ATMOSPHERIC CO2.

ANG ANUMANG MEASUREMENT O ANTAS NA MASUSUKAT SA PAGTUGON O REAKSIYON NG MGA TANIM AT MISMONG LUPANG SAKAHAN SA CO2 LEVEL AY SIYANG MAGAGAMIT NG MGA SIYENTISTA PARA MAUNAWAAN KUNG PAANO MA-MANAGE ANG ANUMANG SISTEMA NG AGRIKULTURA AT MAITAAS DIN ANG ANTAS NG CARBON SA PLANT RESIDUES AT SOIL.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home