Thursday, September 28, 2006

Machines for Cassava Processing

AGRI-INFO/SEPTEMBER 28, 2006


TITLE: MACHINES FOR CASSAVA PROCESSING


ALAM BA NINYO NA MAY MGA BAGONG MAKINA NA SADYANG GINAWA NG MGA IMBENTOR NA PINOY PARA SA PAGPO-PROSESO NG KAMOTENG KAHOY?

ANG MGA BAGONG MAKINANG ITO AY DINESENYO NG MGA EKSPERTO NG LEYTE STATE UNIVERSITY NA NAGLALAYONG MAKATULONG NG MALAKI SA MGA KABABAYAN NATIN NA NAGNANAIS NA MAG-PROSESO NG CASSAVA SA IBAT-IBANG LAYUNIN.

KAYANG GAWIN NG MGA MAKINANG ITO ANG PAGKAKAYOD, PAGKAKATAS, PAGPUPULBOS AT PAGTUTUYO NG KAMOTENG KAHOY.

ANG MAKINANG PANGKUDKOD (CASSAVA GRATER) – PINATATAKBO NG 1-HORSE POWER NA DE-KURYENTENG MOTOR NA NAKAKAKAYOD NG 200 KILO NG SARIWANG LAMANG-UGAT BAWAT ORAS.

ANG MAKINANG PANGPIGA (BATCH TYPE SPINNER) – PANGKATAS ITO NG TUBIG NG KINUDKOD NA SARIWANG LAMANG-UGAT NA MAY KAKAYANANG KUMATAS NG 200 KILO BAWAT ORAS.

ANG MAKINANG PANGPULBOS NG KINAYOD (GRATES PULVERIZER OR GRATES MILL) – MAY KAKAYANAN ITONG GAWING PULBOS ANG KINAYOD NA UGAT SA KAPASIDAD NA 100 KILO BAWAT ORAS.

MAKINANG PANTUYO (ROTARY DRUM DRYER) – NAKATUTUYO NG 45 PERCENT HANGGANG SA 12 PERCENT NA HALUMIGMIG O MOISTURE SA KARANIWANG KAKAYANAN NA 20 KILO BAWAT ORAS. ANG GATONG NITO AY LPG.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home