Saturday, September 23, 2006

Scientists Suggest Beer Component to Minimize Use of Antibiotics to Poultry

AGRI-INFO/SEPTEMBER 23, 2006


TITLE: SCIENTISTS SUGGEST BEER COMPONENT TO MINIMIZE USE OF ANTIBIOTICS TO POULTRY


ALAM BA NINYO NA ANG MAGANDANG KULAY NG KARNE AY ISANG KALIDAD NA MAHALAGA SA PANINGIN NG MGA CONSUMER NG MANOK?

NGUNIT, ANG MATAAS NA PAGGAMIT NG ANTIBIOTICS SA PAG-AALAGA NG MANOK PARA MAKAMTAMAN ANG NAIS NA KULAY AT KASARIWAAN NG KARNE AY MAAARING MAY MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN NG MGA TAO.

SA PAG-AARAL NA GINAWA NG NATIONAL LIVESTOCK RESEARCH INSTITUTE NG RURAL DEVELOPMENT ADMINISTRATION (RDA) SA KOREA, IMINUMUNGKAHI ANG PAGLALAGAY NG LEBADURA O PAMPAALSA NA KILALANG SA PANGALANG SACCHAROMYCES CEREVISIAE SA PATUKA PARA MABAWASAN ANG SOBRANG PAGGAMIT NG MGA ANTIBIOTICS.

ANG SACCHAROMYCES, ISANG LEBADURA NA GINAGAMIT SA PAGGAWA NG BEER O SERBESA NA KARANIWANG PINAGYAMAN SA PULOT, KAPAG ISINAMA SA PATUKA, AY NAKAKAAPEKTO SA KULAY NG KARNE.

NAPATUNAYAN NG NLRI NA ANG PAGHAHALO NG PULBOS NG LEBADORA SA ANTTAS NA 0.3 PERCENT SA PORMULA NG PATUKA DALAWANG LINGGO BAGO PATAYIN ANG MANOK AY EPEKTIBO BILANG PROBIOTICS NA NAKAPAGPAPATAAS SAZ TIMBANG NG MANOK; NAKABUBUTI SA KAHUSAYAN NG PATUKA; NAKAPAGPAPATINGKAD SA KULAY DILAW NG KARNE AT NAKASUSUGPO SA PAGDAMI NG MGA MICROORGANISMS SA PATUKA NA NAGDUDULOT NG SAKIT.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home