Friday, September 29, 2006

Semi-Processed Technology for Food Packaging

AGRI-INFO/SEPTEMBER 29, 2006


TITLE: SEMI-PROCESSED TECHNOLOGY FOR FOOD PACKAGING


ALAM BA NINYO NA KAILANGAN ANG TAMANG TEKNOLOHIYA PARA MAIWASAN ANG MADALING PAGKASIRA NG MGA PRODUKTO MULA SA PAGHAHALAMAN SA PAMAMAGITAN NG TAMANG PAGPAPAKETE SA MGA ITO?

NGAYON, ANO NGA BA ANG LAYUNIN AT PAKINABANG NG PAGPAPAKETE?
· MAIWASANG MAHAWAHAN NG MIKROORGANISMO (HUMAHADLANG SA PROSESO NG PANGANGASIM AT PAGKABULOK)
· MAIWASAN MAHANGINAN (BINABAWASAN ANG PROSESO NG OKSIDASYON)
· MAPANATILI ANG KASARIWAAN
· MAPASIGLA ANG PAGKAGUSTO NG MAMIMILI

ANO BA ANG MGA MATERYALES AT KASANGKAPAN NG PAGPAGPAPAKETE?
KAILANGANG TANDAAN NA ANG PAGPAPAKETE NG MGA GULAY AT PRUTAS, ANG MGA PRODUKTO AY DAPAT NA NASA MABUTING KUNDISYON. ANG MGA KAILANGANG MATERYALES AT KAGAMITAN AY ANG MGA SUMUSUNOD:
· MGA GULAY AT MGA PRUTAS TULAD NG MGA SILI, KAMATIS, MAIS AT LANGKA
· CHLORINE SOLUTION, 100 BAHAGI BAWAT MILYUN AT 200 BBM
· CALCIUM CHLORIDE 300 BBM AT 0.75 PORSIYENTO
· HUGASANG PALANGGANA, BANDEHA AT KUTSARA
· SANGKALAN, SALAAN
· PLATONG STYROFOAM AT
· PLASTIK NA PAMBALOT

0 Comments:

Post a Comment

<< Home