Tuesday, October 10, 2006

Controlling Rhizoctonia Disease In Vegetables

AGRI-INFO/OCTOBER 10, 2006



TITLE: CONTROLLING RHIZOCTONIA DISEASE IN VEGETABLES



ALAM BA NINYO KUNG ANO ANG MGA PAMAMARAAN PARA MASUGPO ANG RHIZOCTONIA?

ANG RHIZOCTONIA AY ISANG URI NG AMAG NA NAGIGING SANHI NG IBAT-IBANG URI NG SAKIT SA MGA GULAY.

NABATID SA PANANALIKSIK NG MGA EKSPERTO NA ANG MAINIT AT MAHALUMIGMIG NA PANAHON ANG NAGIGING SANHI NG MABILIS NITONG PAG-UNLAD SA MGA HALAMAN TULAD NG REOLYO, KAMATIS, BEANS AT MAIS.

ANO NGA BA ANG SINTOMAS NG SAKIT NA ITO? ANG SINTOMAS NITO AY LUMALABAS SA UGAT NG MGA BATANG HALAMAN AT SA BAHAGI NG KATAWAN NG HALAMAN NA MALAPIT SA LUPA, GAYUNDIN SA MGA DAHON NG MAGULANG NA MGA HALAMAN.

ANG PANGKARANIWANG MGA SINTOMAS NG RHIZOCTONIA AY ANG ITIM NA BULOK SA UGAT; PAGKABULOK NG COLLAR SA MGA PUNLA, LUBOG NA MGA KANKER NG MGA PUNO, NALALANTANG LAPAK (SHEATH BLIGHT) AT MALAMBOT NA PAGKABULOK.

ANG HIWA O SUGAT SA MGA BATANG HALAMAN AY MADALAS NA KULAY KAYUMANGGI, ANG BAHAGNG MALAPIT SA LUPA AY BABAD SA TUBIG AT ITO AY NAGIGING SANHI NG PAGKALANTA NG PUNO (DAMPING OFF) PAGKABULOK NG COLLAR O KULYAR.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home