Monday, October 09, 2006

Mixed Juices Of Guyabano, Mango and Calamansi

AGRI-INFO/OCTOBER 9, 2006



TITLE: MIXED JUICES OF GUYABANO, MANGO AND CALAMANSI


ALAM BA NINYO NA IPINAKILALA NG MGA EKSPERTO ANG ISANG BAGONG JUICE MULA SA PINAGHALONG KATAS NG GUYABANO, AT IBA PANG PRUTAS TULAD NG MANGGA AT KALAMANSI.

ANG NATURANG PINAGHALONG KATAS NG MGA PRUTAS AY DINEVELOP NG MGA MANANALIKSIK NG CAVITE STATE UNIVERSITY SA INDANG, CAVITE.

SA ISINAGAWANG PAGSUSURI, 42 PORSIYENTO NG MGA PINATIKIM AY GUSTUNG-GUSTO ANG PINAGHALONG KATAS NA MAY 75 BAHAGI NG GUYABANO AT 25 BAHAGI NG MANGGA, SAMANTALANG 40 PORSIYENTO ANG GUSTO ANG PINAGHALONG KATAS NG GUYABANO AT KALAMANSI.

ANG PINAGHALONG KATAS NA MAS MABABA ANG KALAMANSI AY MAS KATANGGAP TANGGAP KAYSA DOON SA MAY MAS MATAAS NA KALAMANSI AT ITO AY LUBHANG PINABORAN NG MGA NAKATIKIM.

NABATID NA ANG PRODUKSIYON NG 100 POUCHES NG PINAGHALONG KATAS NG GUYABANO AT MANGGA AT PINAGHALONG KATAS NG GUYABANO AT KALAMANSI AY NAGBIGAY NG 0.54 AT0.63 NA NATURINGANG PAKINABANG SA YUNIT NA HALAGA NG 10-PISO BAWAT POUCH.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home